Dear “YOU”,

"I love you!"

Yan ang message na nakita ko sa inbox ko right after I logged on my Facebook account. As much as I want to say “i love you too”, tinanong muna kita kung totoo ba yun o hindi. I didn’t received any reply kahit online ka rin naman. However, after like 20 minutes, I PMed you again na parang “totoo man yun o hindi, i love you too”. After that, naka receive na ko ng message sayo ng emoticon ng isang “hayop”-na-di-ko-alam-kung-ano-ang-ibig-sabihin. And that confused me even more!

See? With just a simple “I love you”, napapraning ako. Why? Kasi alam mo namang matagal na matagal na kitang gusto, 4 years? Kaya every time na may sinasabi kang ganun, di ko talaga maintindihan!! Mahal mo ba ko kasi matagal na tayong “friends” o mahal mo ko kasi mahal mo ko?

Minsan, gustong gusto ko sabihin sayo kung ano ba talaga nararamdaman ko kaso hindi mo naman sineseryoso. I already tried that before pero tumatawa ka lang or let’s say umiiwas ka o pinuputol mo yung topic! At yung last time na sinabi ko sayo na mahal kita, lasing ka. Ni hindi ko nga alam kung talagang maaalala mo yun.

Anyway, di naman kita iiwan. Nandito lang naman ako pag kailangan mo ko, mahal kita eh.

Totoo pala na pag importante sayo yung tao, naaapektuhan ka lalo na pag may pinagdadaanan sila. I have this friend na alam kong may pinagdadaanan ngayon kaso di ko alam kung pano ba ko makakatulong. Handa naman akong makinig eh, handa akong magbigay ng advice kaso parang nahihiya ako na i-approach sya na parang ‘Uy! Nandito ko. Kung gusto mo ng kausap o paglalabasan ng sama ng loob, handa akong makinig.’ Kaso natatakot kasi ako na isipin nya na ume-epal ako na sinasamantala ko yung pagkakataon para makausap sya. Concern ako sa kanya kaso di ko alam kung pano ko sya ichi-cheer up sa tuwing down sya. Wala lang, medyo naaapektuhan lang talaga ako pag nakikita kong malungkot ang sinuman sa mga friends ko.

theme